Saturday, January 29, 2011

Computer Invasion

Talagang iba na ang panahon ngayon. Bunga ng makabagong teknolohiya at impluwensya ng makabagong kultura marahil.

Kung dati, ang nilalaro ay tumbang preso, luksong baka, habulan, taguan, chinese garter, moro-moro, sungka, siato at iba pa, ngayon ay napalitan na ito ng Grand Chase, Plants vs. Zombies, PSP, Wii, Facebook at marami pang iba. May kontribusyon din siguro ito sa palalang health condition ng mga tao sa mundo. Kulang na sa ehersisyo . Upo na lang ngayon. Dati buong katawan ang gumagalaw. ngayon mga kamay at daliri na lamang, saka ang isip/utak na ginagamit sa konsentrasyon at pag estratehiya sa mga laro.


May nakapagsabi sa akin dati na "what you don't use , you lose" at kung ano daw ang lagi mong ginagamit yun ang lumalaki. Delikado. Baka lumiit ang mga paa, at lumaki/humaba ang mga daliri at ulo..pati mata dahil sa katututok sa computer.. Ano ang magiging itsura?


sakto lang din ang bilang ng daliri para mag type at mag control ng mouse....


1 comments:

wala lang said...

bull's eye. nadali mo tol...